DZMM: Tiniyak ng Phivolcs na walang magiging epekto saan mang panig ng bansa ang magnitude 6.1 na lindol sa Indonesia kaninang umaga. Ayon kay Director Renato Solidum, bukod sa malayo pa sa bansa ang pinagmulan ng lindol ay hindi naman kakayanin pang lumikha ng tsunami ang pagyanig.