IM Ready PH Update as of July 17, 2014 at 12:04AM

Weather update as of 11PM:


Nananatiling nakataas ang signal number #1 sa Zambales, Bataan at Pangasinan pero ibinaba na ng Pagasa ang warning signals sa iba pang lalawigan.

Delikado pa rin ang pumalaot sa western seaboard ng buong Luzon.


Huling namataan ng Pagasa ang mata ng Typhoon Glenda 270 kilometers kanluran ng Iba, Zambales.

Umaga bukas, lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility at tutungo na ng Southern China.


Pero isang bagong low pressure area ang binabantayan ng Pagasa sa labas pa ng PAR. Namataan nila ito 1,030km silangan ng Northern Mindanao. Ang Japan Meteorological Agency, itinuturing na itong isang tropical depression o mahinang bagyo.


Ba-se sa wind forecast map ng The Weather Company, posibleng Biyernes ito pumasok ng PAR.


Bukas, patuloy pang makararanas ng ulan ang kanlurang bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.

May mahihinang ulan sa Visayas at sa Mindanao, posible naman ang thunderstorms.



Source: IM Ready PH