Kumpirmadong namatay dahil sa Bagyong Glenda: 40 na
Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, 40 ang kumpirmadong namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Glenda. Lagpas sa walong daang libong tao ang naapektuhan ng bagyo at P2.3 bilyon ng mga pananim ang nasira. Pinaka apektado ang mga probinsya sa Bicol. Quezon, Batangas, Laguna, Bataan at Cavite. Sa dami ng ating natutuhan tungkol sa paghahanda mula sa mga bagyong Ondoy, Sendong, Pablo at Yolanda, nakakagulat ang naging pinsala nitong pinakahuling bagyo.
Saan pa kaya tayo nagkulang sa paghahanda?
Source: IM Ready PH
