IM Ready PH Update as of July 19, 2014 at 08:27AM

Malaking bahagi ng bansa ngayon ang inuulan dahil sa Hanging Habagat, ayon sa PAGASA at sa datos ng The Weather Company.

Pinalalakas kasi ito ng papalapit na Tropical Storm Henry.


Sa Luzon, makararanas ng mahina hanggang katamtamang ulan at thunderstorms ang mga rehiyon ng Cagayan Valley, Bicol, CALABARZON, MIMAROPA at probinsya ng Aurora.


Sa Metro Manila, mataas ang tsansa ng ulan sa buong araw na ito.


Sa Visayas, eastern section din ang higit na uulanin.


Ang buong Mindanao, may mga pag-uulan ding mararanasan ngayong Sabado.


Nakataas ngayon ang gale warning ng PAGASA sa eastern seaboards ng Visayas at Mindanao. Pinapayuhan ang mga mangingisda at may maliliit na sasakyang pandagat na iwasan muna ang pumalaot dahil sa matataas na alon sa dagat.


Sa wind forecast map ng The Weather Company, inaasahang iigting pa ang Hanging Habagat hanggang Lunes habang patuloy ang paglapit sa bansa ng Bagyong Henry.


Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo sa layong 620 kilometers sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 75 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugso na hanggang 90 kph.


Mas bumilis ang galaw ng Bagyong Henry sa pa-hilagang kanlurang direksyon.


Sa datos ng PAGASA at ng The Weather Company, posibleng maging typhoon ang Bagyong Henry at maaaring dumaan sa Batanes Group of Islands sa Martes o kaya'y sa Miyerkules.



Source: IM Ready PH