DZBB: Nararamdaman na sa Calauag, Quezon ang malakas na hangin at bahagyang pag-ulan na dulot ng bagyong Glenda. Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng paglilikas ng ilang residente roon. Wala na ring supply ng kuryente sa Calauag at maging sa Tagkawayan, Lopez at ilang bahagi ng Gumaca.