ABS-CBN: Abala ang mga pinauwing residente mula sa evacuation centers sa pagsasaayos ng kanilang mga bahay, gaya sa Baseco compound. Inipon kasi ng mga residente ang mga kalat na nakuha mula sa baha gaya ng mga kahoy, yero, bakal at iba pa. Hahakutin din ang mga basura at water hyacinths na siyang ire-recycle naman ng lokal na pamahalaan.