DZBB: Mahigpit ang direktiba ng DepEd sa mga paaralan na naapektuhan ng bagyong Glenda na ituloy pa rin ang klase sa kabila ng pagkasira ng kanilang mga silid-aralan. Sinabi ni DepEd Sec. Luistro na maaari namang ituloy ang pagtuturo ng mga guro sa mga pansamantalang silid-aralan.